Home NATIONWIDE Updated arrival, departure stamps ginamit na ng BI sa NAIA

Updated arrival, departure stamps ginamit na ng BI sa NAIA

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) nitong Linggo, Disyembre 31 na ipinamahagi na nito ang updated arrival at departure stamps sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Disyembre 29 at 30 upang mapanatili ang seguridad at kredibilidad ng immigration process ng bansa.

Ani BI commissioner Norman Tansingco, hindi lamang pagtitibayin ng hakbang na ito ang seguridad sa immigration procedures bagkus ay mag-iiwas pa sa fraudulent activities ng “unauthorized entities attempting to replicate or misuse official immigration stamps.”

“The updated arrival and departure stamps are a proactive measure to maintain the security and credibility of our immigration process, ensuring the safety of our borders while providing efficient service to travelers,” saad sa pahayag ni Tansingco.

Idinagdag din niya na tampok sa stamps ang refreshed security qualities na “align with global best practices to ensure the authenticity and integrity of immigration stamps.”

Sinabi pa ng opisyal na magro-roll out din ito ng revised stamps sa iba pang international airports sa bansa sa unang bahagi ng 2024. RNT/JGC

Previous articleP8.4M naabo sa sunog sa mall sa Cebu
Next articlePamilya sa New York, patay sa murder-suicide incident