MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang mga lugar na nag-anunsyo ng suspensyon ng klase ngayong araw, Setyembre 22, 2023 dahil sa volcanic smog mula sa Bulkang Taal.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang vog ay mapaminsala sa kalusugan, lalo na sa mga may asthma, sakit sa baga, sakit sa puso, matatanda, buntis at mga bata.
Hanggang nitong tanghali, nag-anunsyo na rin ng suspensyon ng klase ang mga sumusunod na lugar sa Batangas, Cavite, Laguna at maging sa Metro Manila.
#WalangPasok sa lahat ng antas ng paaralan, pribado at publiko, sa mga sumusunod na lugar:
CAVITE
– Magallanes, Kawit, Ternate, Silang, Alfonso, Gen. Emilio Aguinaldo (Bailen), Gen. Trias, Mendez, Naic, Imus, Cavite City, Noveleta, Trece Martires, Maragondon, Tagaytay City, Dasmariñas City, Tanza, Rosario, Indang, Bacoor City, Gen. Mariano Alvarez, Carmona, Amadeo
Batangas
– Agoncillo, Balayan, Calatagan, Lian, Nasugbu, Tanauan City, San Nicolas, Balete, Tuy, Calaca, Taal
Laguna
– San Pedro, Biñan City, Cabuyao City, Calamba City, Santa Rosa City
Metro Manila
– Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, San Juan, Caloocan at Valenzuela City
Habang modular learning naman sa Barigon ES, Mahabang Gulod ES, Bilibinwang ES, Banyaga ES , Banyaga NHS, Lemery
Patuloy na i-refresh ang post na ito para sa pinakahuling impormasyon. RNT/JGC