Home NATIONWIDE UPLB grad namayagpag sa Electrical Engineer licensure exams

UPLB grad namayagpag sa Electrical Engineer licensure exams

346
0

MANILA, Philippines- Nanguna sa September 2023 Registered Electrical Engineers Licensure Examination ang isang graduate mula sa University of the Philippines Los Baños campus, ayon sa ng Professional Regulation Commission (PRC).

Si Timothy Regienald Rongavilla Zepeda ay nakakuha ng percentage rating na 90.95, ang pinakamataas sa 1,218 na matagumpay na nakapasa sa pagsusulit.

Kabuuang 3,945 ang kumuha ng licensure exams.

Si Prince Ian Francisco Cruz ng Technological University of the Philippines-Manila ang lumabas na number two sa ranking na may 90.65% na sinundan ni Christian Degala Huenda ng Capiz State University-Main Campus na may 90.05%.

Ang iba pang Top 10 at iba pang matagumpay na nakapasa sa pagsusulit ay makikita sa PRC website.

Nakapasa rin sa pagsusulit para sa Registered Master Electricians ang 800 mula sa 1,490 examinees.

Isinagawa ang pagsusulit sa National Capital Region, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Oriental Mindoro, Pagadian, Palawan, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article‘Work, holiday visa’ application sa Australia bubuksan sa 2024 
Next articleLolo patay sa kotse ng SK chairman

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here