Home NATIONWIDE Upper-middle income status makakamit ng Pinas sa dulo ng 2025 – NEDA

Upper-middle income status makakamit ng Pinas sa dulo ng 2025 – NEDA

MANILA, Philippines – MAAARING makamit ng gobyerno ng Pilipinas ang layunin nito na itaas ang ekonomiya sa upper-middle income status ng mas maaga sa naging pagtataya para rito.

Sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa isang press briefing kasunod ng 188th Development Budget Coordination Committee (DBCC) meeting na posibleng tamaan ang upper-middle-income economy status “towards the latter part of 2025 or early 2026″ lalo pa aniya at “on track” ang Pilipinas na matamo ang upper-middle income status sa 2025.

“Our original estimate was 2025,” ayon kay Balisacan.

Ang paliwanag pa nito, ang 2025 target para sa ekonomiya para gumradweyt sa upper-middle income bracket ay bunsod na rin ng pagpapataya na ang ekonomiya ay lalago ng 6.5% hanggang 8%.

“But, of course, you know we have revised [down] the growth,” ang winika ni Balisacan.

Para sa taong 2025, tinapyasan ng DBCC ang growth target nito sa 6.5% hanggang 7.5% mula sa nauna nitong hangarin na 6.5% hanggang 8%.

Gayunman, sinabi ni Balisacan na “hitting upper-middle income status is still possible, “but perhaps towards the latter part of 2025.”

“If the exchange rate moves in the direction of currency depreciation, then that could put us [beyond] 2025,” aniya pa rin sabay sabing ang hakbang para sa pag-uuri ng ekonomiya ay base sa gross national income per capita sa US dollars.

“It’s influenced by the exchange rate, so it will depend… Late 2025 is still possible if the economy can grow as we expected and the peso will not depreciate much,”ang tinuran ni Balisacan.

Sa kabilang dako, napanatili naman ng Pilipinas ang mas mababang middle-income economy sa ilalim ng World Bank’s latest classification, habang ang gross national income (GNI) per capita ng bansa ay $3,950 noong 2022, bumaba sa loob ng bracket para sa mas mababang middle-income economies na $1,136–$4,465, na tumaas naman mula $1,086–$4,255 isang taon na ang nakalilipas.

Makikita naman sa data ng Philippine Statistics Authority na ang GNI per capita ng bansa ( sa kasalukuyang presyo) ay nananatili sa P241,165 noong 2023, 14.7% mula P210,228 noong 2022.

“For the current fiscal year 2024, the World Bank classifies low-income economies as those with a GNI per capita of $1,135 or less in 2022; lower middle-income economies are those with a GNI per capita between $1,136 and $4,465; upper middle-income economies are those with a GNI per capita between $4,466 and $13,845; and high-income economies are those with a GNI per capita of $13,845 or more,” ayon sa ulat.

Sa kasalukuyan, kasama ng Pilipinas sa lower-middle income bracket ang Vietnam ($4,010 GNI per capita); Laos ($2,360); Cambodia ($1,700); at Myanmar ($1,210).

“It trailed behind its neighbors, which are in the upper-middle income level: Malaysia ($11,780); Thailand ($7,230); and Indonesia ($4,580), which moved up this year from a lower-middle income status,” ayon pa rin sa ulat.

Ang Singapore ($67,200) at Brunei ($31,410) ay kapuwa nasa high-income bracket. Kris Jose