MANILA, Philippines – Inihayag ng Climate Change Commission (CCC) nitong Martes, Agosto 8 na ang pagtuturo sa mga Filipino tungkol sa urban agriculture ang makapagpapalakas pa ng self-sufficiency sa kabila ng nararanasang inflation.
Sa news release, sinabi ni CCC Commissioner Albert dela Cruz Sr. na mahalaga ang magkaroon ng programa sa pagkakaroon ng food security sa pamamagitan ng mga aktibidad na makatutulong sa publiko para maunawaan ang kahalagahan ng urban agriculture at self-sufficiency.
“Educating Filipinos about urban agriculture could somehow help assuage the hardships being experienced by most in the face of skyrocketing prices of agricultural products, particularly rice and vegetables common on the dinner table of majority of households,” ani Dela Cruz.
Nagsasagawa si Dela Cruz ng mga forum sa food security sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry at Department of Social Welfare and Development, at Cooperative Development Authority sa iba’t ibang komunidad sa bansa sa mga nakalipas na buwan. RNT/JGC