Home NATIONWIDE US air assets maghahatid ng tulong sa Davao de Oro landslide victims...

US air assets maghahatid ng tulong sa Davao de Oro landslide victims – AFP

MANILA, Philippines- Gagamitin ang dalawang United States Marine Corps (USMC) KC-130J Hercules aircraft upang tumulong maghatid ng suplay para sa mga biktima ng landslide sa Maco, Davao de Oro, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Lunes.

Inihayag ng AFP na kasalukuyang nakaistasyon ang dalawang USMC aircraft sa Villamor Air Base habang patuloy ang pagproseso, pagtimbang, at pagsakay ng mga suplay na ihahatid ngayong Lunes.

“The U.S. Marines from the III Marine Expeditionary Force will assist with the ongoing disaster relief mission with troops from the Marine Air Group 12, 1st Marine Aircraft Wing delivering essential supplies for distribution,” pahayag ng AFP aid.

Base sa AFP, plano nila ang apat na deliveries kada araw—dalawa kada aircraft—upang mapanatili ang matatag na suplay para sa mga apektadong komunidad.

Ananf AFP, alinsunod ito sa commitment ng dalawang bansa sa humanitarian assistance and disaster relief sa pagbibigay-diin niya sa US-PH Maritime Cooperative Activity.

“The AFP and the US Armed Forces are continuously working hand-in-hand to provide efficient support to the troops during the entirety of the said operations,” wika ng AFP.

Hanggang nitong Linggo ng gabi, pumalo na ang death toll sa landslide sa 54 at 31 sugatan at 63 nawawala, ayon sa municipal government. RNT/SA

Previous articleVoter registration para sa 2025 umarangkada
Next articleOverseas Pinoy prayoridad sa pag-isyu ng voter’s ID