Home HOME BANNER STORY US Embassy sinita ng DFA sa paglapag ng military plane sa NAIA

US Embassy sinita ng DFA sa paglapag ng military plane sa NAIA

MANILA, Philippines- Tinawagang-pansin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang United States (US) Embassy sa kakulangan nito ng koordinasyon matapos lumapag ang isang American military aircraft sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Hunyo.

Inilahad ito ni Foreign Affairs Assistant Secretary Jose Victor Chan Gonzaga ng Office of American Affairs nitong Miyerkules sa pagpapatuloy ng Senate foreign relations committee hearing sa umano’y unadvised landing ng US military aircraft sa Manila.

“We have already called the attention of the US Embassy to this and they have provided us assurances that they will try, as much as possible, not to make this happen again,” sabi ni Gonzaga.

“I don’t think anyone is in a position to say it’s absolutely never gonna happen againl, but we definitely will be more vigilant in terms of vetting these requests,” dagdag niya.

Gayundin, inihayag ni Gonzaga na ilalatag nila ang isyu sa Presidential Commission on Visiting Forces upang maiwasang maulit ang insidente sa hinaharap.

“We see the point that there’s probably a need, maybe in particular for military flights, to ensure that relevant airport authority is given advanced notice. So we’ll discuss that in the context of the Presidential Commission on Visiting Forces and see if there are things we can do at least administratively on our side,” ayon sa opisyal.

Dahil dito, pinuri ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa cang DFA sa pagiging “brave enough to call out the United States to correct their mistakes.”

Sa imbestigasyon, napag-alaman na hindi ipinagbigay-alam sa Manila International Airport Authority ang paglapag ng US military plane dahil sa kakulangan ng koordinasyon sa pagitan ng ground handler at ng operator ng aircraft.

Inihayag ni MIAA Senior Assistant General Manager Bryan Andersen Co, ground handler, na hindi sila inabisuhan sa paglapag ng US aircraft.

Nauna nang sinabi ni Senator Imee Marcos, panel chairperson, na inamin ng US embassy has na hindi nakaipag-ugnayan ang flight planners sa NAIA ground handlers ukol sa pagdating ng US military aircraft sa Manila noong June 26.

Noong Hunyo, inihain ni Marcos ang Senate Resolution 667 na naglalayong imbestigahan ang umano’y unadvised landing ng US military aircraft sa Manila.

Kinuwestiyon niya ang rason ng pagdating ng Boeing C-17 strategic transport aircraft na pinatatakbo ngUS military sa Manila gayong ang pangunahing destinasyon nito ay sa Puerto Princesa, Palawan. RNT/SA

Previous article453 pasado sa food technologist licensure exams
Next articleHouse panel tinawag na ‘kangaroo court’ kasunod ng pagpapatalsik kay Teves