MANILA, Philippines- Bukas si United States (US) Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na makipagpulong sa mga gobernador na nagpahayag ng kanilang pagkabahala at pag-aalala ukol sa apat na karagdagang sitesĀ kung saan mayroong access ang US military sa ilalim ngĀ Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Ani Carlson sa isang panayam, masaya siyang makapulong ang mga ito.
āAbsolutely. We are open when governors travel to Manila, we are always happy to meet with them,ā ani Carlson.
āIām personally happy to meet with them even in the embassy or invite them to the residence or meet them at a place of their choosing. We do travel around the country and meet governors as well,ā dagdag na wika nito.
Nauna rito, nagpahayag ng pangamba siĀ Cagayan Governor Manuel Mamba para sa kanyang lalawigan na gagamitin bilang isa sa mga bagong EDCA sites.
Sa katunayan, isang prayer vigil laban saĀ EDCA ang dinaluhan ng 5,000 Cagayanos noong Abril.
Ang paliwanag ni Carlson, hindi dapat maging dahilan ng pangamba angĀ EDCA dahil ang layunin nito ay mapabutiĀ ang military facilities sa bansa.
Advertisement