Home NATIONWIDE US, EU envoys nabahala sa pag-atake ng Tsina sa Christmas convoy

US, EU envoys nabahala sa pag-atake ng Tsina sa Christmas convoy

MANILA, Philippines- Naghayag ng pagkabahala ang mga ambassador ng Estados Unidos at  European Union  matapos na harangin at bombahin ng water cannon ng China ang mga barko ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply patungo sa BRP sierra madre sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS), araw ng Linggo.

“The [US flag] stands with the Philippines and partners in vehemently condemning the PRC’s repeated illegal and dangerous actions against [Philippine flag] vessels, including disrupting the [Philippine flag] resupply mission to the Sierra Madre today,”  ayon kay US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa a kanyang post sa  X.

“PRC aggression undermines regional stability in defiance of a #FreeAndOpenIndoPacific,” dagdag na wika nito.

“Another deeply troubling incident today, water cannons used again. UNCLOS dispute settlement mechanisms maintain the rule of law. The 2016 UNCLOS Tribunal Award is a valuable framework for peaceful resolution. Water cannons and dangerous sea maneuvers aren’t a legitimate alternative,” ang sinabi naman ni EU Ambassador to the Philippines Luc Veron sa kanyang post  sa  X.

Sa ulat mula sa Philippine Coast Guard, binomba ang BRP Cabra ng Philippine Coast Guard at ang isang resupply boat na ML kalayaan.

Sinasabing hila-hila ng BRP Sindangan, napilitang bumalik sa pantalan ang ML kalayaan dahil sa nasirang makina nito, ayon yan kay PCG spokesperson for WPS Comm. Jay Tarriela.

Sa pahayag ng China Coast Guard, sinisi nito ang Pilipinas at sinabing hindi ito nakinig sa mga babala nito. Nagsagawa rin daw umano ang Yunaza May 1 ng unprofessional at dangerous manner.

Samantala, sa pahayag ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), ilegal na naglatag ulit ang Chinese Coast Guard ng floating barrier sa southeast entrance ng Bajo De Masinloc. Kris Jose

Previous articleHigpit-seguridad para sa Pasko, Bagong Taon ipinakakasa sa police commanders
Next articleChristmas convoy boat nasa Lawak Island na