Home NATIONWIDE US exec bibisita sa Pinas; economic resilience tatalakayin

US exec bibisita sa Pinas; economic resilience tatalakayin

MANILA, Philippines- Bibisita sa Pilipinas ang isang United States government official upang talakayin ang posibleng mga pamamaraan upang paghusayin ang economic resilience ng bansa, bilang bahagi ng commitment ng Washington.

Maglalakbay si Jose Fernandez, US Economic Growth, Energy and the Environment undersecretary, sa Asya mula Jan. 22 hanggang Feb. 1, partikular sa Vietnam, Pilipinas at South Korea, upang palakasin ang economic cooperation ng Washington sa Indo-Pacific.

“In the Philippines, Undersecretary Fernandez will discuss enhancing the Philippines’ economic resilience through supply chain diversification, while emphasizing our commitment to deepening the strong U.S.-Philippines economic partnership and highlighting US investment opportunities in the critical minerals sector,” pahayag ng State Department.

Makikipagpulong umano ang opisyal sa government, business, at civil society leaders sa tatlong bansa.

Isusulong niya ang public-private partnerships, advance investment opportunities, at bibigyang-diin ang kahalagahan ng maigitng na kooperasyon sa areas of common concern.

Kabilang dito ang pagpapalakas sa economic, energy, health, climate, at food security, batay sa State Department.

Bukod sa military partnership, nagkasundo ang Pilipinas at US na palalalimin ang kooperasyon sa economic resilience, pabor sa Manila, sa pagpapatibay ng dalawang panig sa relasyon nito  sa ilalim ng pamumuno nina Pangulong Marcos at President Joe Biden. RNT/SA

Previous articlePH nakararanas ng 4-5 lindol kada linggo – Phivolcs
Next articleBagong iskedyul ng Manila Zoo alamin