Home NATIONWIDE US gustong bumili ng Russia oil

US gustong bumili ng Russia oil

INIULAT ng Sputnik Globe na muling umangkat o bumili ang United States ng langis sa Russia, taliwas sa patakaran nitong hindi bibili ng langis at pahinain ang ekonomiya ng huli bilang suporta sa Ukraine kaugnay ng giyerang Russia at Ukraine.

Ayon sa US Energy Information Administration, nag-angkat ng US ng 36,000 bariles nitong Oktubre na nagkahalaga ng $2.7 milyon at 9,900 bariles nitong Nobyembre na nagkahalaga ng $749,500.

Mismong ang US Department of the Treasury’s Office of Foreign Assets Control (OFAC) ang nagbigay ng lisensya sa importasyon sa kabila ng katotohanang ang OFAC ang nagpapatupad ng patakarang hindi pagbili ng langis mula sa Russia.

Napag-alamang mas mahal pa ang bili ng US sa Russian oil dahil nagkakahalaga ito ng $74 kada bariles kumpara sa $60 kada bariles na itinakda ng US at mga alyado nito para sa ibang mga bansang bumibili ng Russian oil.

Hindi pa malinaw kung ano ang mga dahilan ng US sa paglabag sa sarili nitong patakaran sa Russia ngunit dati nang nag-aangkat ang US ng Russian oil bago sumiklab ang giyerang Russia at Ukraine.

Subalit matagal nang importer ang US ng Russian oil bagp sumiklab ang nasabing giyera habang patuloy ang pagbili ng European Union ng Russian oil na nagkahalaga ng $18.4 bilyon na hinati sa 60 porsyento para sa langis at 40% para sa natural gas.

Ito’y sa kabila ng pagiging kasama ng EU ang US sa pagtigil ng importasyon ng langis at natural gas mula sa Russia alang-alang sa Ukraine.

Bago ang nasabing digmaan, nasa 3% ng inaangkat ng US na 6.28 milyong bariles kada araw ang naggagaling sa Russia.

Nang lumitaw ang ulat, sinasabing maaaring ginawa ng US ang pag-aangkat dahil sa pandaigdigang krisis sa enerhiya na nakaaapekto sa US, pampahina ng relasyon ng China at Russia at taktika para makumbinse nitong pahinain ang suporta o relasyon ng Russia sa North Korea at Iran.

Matatandaang suportado ng Russia ang pag-aarmas ng North Korea laban sa South Korea at US at hindi nito pinipigilan ang aksyon ng mga grupong Muslim gaya ng mga Houthi sa Yemen at Hezbollah sa Lenabon at Hamas sa Gaza Strip na naglulunsad ng giyera laban sa Israel.  FRED CABALBAG

Previous articleBebot timbog sa tobats sa Taguig
Next article4 PNP official na-promote