Home HOME BANNER STORY US-PH joint patrols sa S. China Sea, muling aarangkada

US-PH joint patrols sa S. China Sea, muling aarangkada

69
0

MANILA, Philippines- Muling magsasanib-puwersa ang Pilipinas at  Estados  Unidos pagdating sa mga  joint naval patrols sa  South China Sea.

Kasunod  ito ng pagbibigay sa Amerika ng mas malawak na access sa mga miltary base ng Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation  Agreement (EDCA).

“The United States and the Philippines have agreed to restart joint patrols in the South China Sea as the longtime allies seek to counter China’s military rise,” ayon sa kalatas ng  US Defense Department.

Matatandaang, kapuwa sinuspinde ng dalawang bansa ang  maritime patrols sa napakainit na pinagtatalunang lugar sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa  Duterte.

Sa naging pagbisita sa Pilipinas ni  US Defense Secretary Lloyd Austin, sinabi nito na siya at ang kanyang Philippine counterpart na si Carlito Galvez “agreed to restart joint maritime patrols in the South China Sea to help address (security) challenges.”

Inanunsyo rin nina Austin at Galvez ang isang kasunduan na bigyan ang tropa ng Amerika ng  access sa apat pang bases sa  “strategic areas” sa Southeast Asian nation.

Ang mga kasunduan ay bunsod na rin ng hangarin ng dalawang bansa na kumpunihin ang ugnayan na nabali sa ilalim ni dating Pangulong Duterte, na sinasabing di umano’y pinaboran ang China kaysa sa dating colonial master ng bansa.

Masigasig naman ang bagong administrasyon sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  na plantsahin ito. Kris Jose

Previous articleDOH nakapagtala ng 156 bagong COVID cases sa Pinas
Next articleJanella, magpapaka-daring, game makipaglaplapan sa kapwa babae!