MANILA, Philippines- Kapwa inaasahan ng Estados Unidos at gobyerno ng Pilipinas na sa pagtatapos ng taon ay malalagdaan na ang isang kasunduan na magpapabilis sa pagpasok ng US nuclear technology sa bansa.
Sa katunayan, sinabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na ang dalawang estado ay “very close” na sa pagkumpleto sa negosasyon lalo pa’t ang pag-uusap ukol sa nuclear cooperation ay inilunsad nang bumisita si Vice President Kamala Harris sa Pilipinas noong Nobyembre 2022.
Inaasahang 123 Agreement ang makapagbibigay ng legal basis para sa “civil nuclear energy cooperation” at pinapayagan ang “export ng nuclear fuel, reactors, equipment at special nuclear material” mula Estados Unidos tungo sa Pilipinas.
“I’m very hopeful that we will see a signature this calendar year,” ayon kay Carlson.
“It is a very complex agreement, but both sides from the Philippines and the United States have really rolled up their sleeves and gotten down to business and have made great progress,” dagdag na wika nito.
Tinuran pa ni Carlson na ang pag-uusap ay “90 percent done.”
Sa kabilang dako, mayroon aniyang US nuclear technology firms “who’d be very interested in investing” dito subalit walang basehan kung ano ang itutulak bunsod na rin ng kawalan ng 123 Agreement.
“If we’re able to sign it by the end of this calendar year, it may be a record for a 123 Agreement being signed, but it looks like we’re getting very close. So I’m very excited about that,” anito.
“So as soon as that agreement is signed, then our private sector companies can work facilitated by both governments and sort of help put them together,” patuloy niya.
Ibinahagi rin ni Carlson na ang American energy firms ay inaasahan na sasali sa Trade and Investment Mission na nakatakdang i-dispatch ni US President Joe Biden sa Pilipinas sa 2024. Kris Jose