Home NATIONWIDE US sa China: Suporta sa Pinas ‘ironclad’

US sa China: Suporta sa Pinas ‘ironclad’

MANILA, Philippines – SINABI ng isang mataas na opisyal ng Estados Unidos sa Chinese counterpart nito na ang defense commitments ng Washington sa Pilipinas ay “ironclad” matapos ang marahas na sagupaan sa West Philippine Sea.

“Deputy Secretary of State Kurt Campbell “raised serious concerns” about Chinese actions in a call with Executive Vice Foreign Minister Ma Zhaoxu,” ayon sa kalatas ng State Department.

Muling inulit naman ni Campbell na nananatiling “ironclad” ang commitment ng Estados Unidos sa Pilipinas sa ilalim Mutual Defense Treaty, ayon kay State Department spokesman Matthew Miller.

Nanawagan din Campbell para sa “peace and stability” sa Taiwan Strait, bunsod na rin ng military drills ng Tsina sa paligid ng self-governing democracy kasunod ng inagurasyon ni President Lai Ching-te, at ni-renew na US concerns ukol sa Chinese exports na sumusuporta sa defense industry ng Russia.

Matatandaang, naglabas ng mga larawan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na makikita na armado ng patalim at palakol ang ilang tauhan ng China Coast Guard at iniumang sa mga sundalong Pinoy na nagsasagawa ng routine rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17.

Ipinakita rin ng AFP nitong Miuerkules ang larawan sa tinanong pinsala ng mga sasakyang pandagat na gamit ng mga sundalong Pinoy na sinira ng CCG.

“The China Coast Guard’s coercive, aggressive, and barbaric actions during the humanitarian rotation and resupply mission at BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal on June 17, resulted in severe damage to AFP vessels, including their communication and navigation equipment,” ayon sa AFP.

“CCG personnel were also caught on camera while brandishing an assortment of bladed and pointed weapons threatening to injure AFP troops,” dagdag nito.

Smantala, makailang ulit namang binigyang diin ng Estados Unidos ang commitment nito sa tratado “without spelling out publicly at which point China has crossed a line.”

Sa kabila ng ‘multiple areas of tensions,’ pinalawig pa rin ng administrasyon ni President Joe Biden ang komunikasyon sa Tsina para bawasan ang tsansa ng mas malaking tunggalian.

“Campbell’s call was “part of ongoing efforts to maintain open lines of communication” between the two powers and “responsibly manage competition in the relationship,” ayon kay Miller. Kris Jose