Home LOCAL BIZ US trip ni Malia, kinansela ni Pokwang!

US trip ni Malia, kinansela ni Pokwang!

78
0

Manila, Philippines – A planned US trip na sa panaginip na lang mangyayari

Ito ang malinaw na kalalabasan ng dapat sana’y nakaiskedyul nang biyahe ni Lee O’Brian kasama ang anak na si Malia sa darating na February 21.

Si Malia ang limang taong gulang na anak ni Pokwang kay Lee na kinasama niya sa loob ng anim na taon.

November 2021 pa noong maghiwalay sina Pokwang at Lee pero kinumpirma lang ito ng komedyana noong July 2022.

Bagama’t separated na’y sinubukan daw ni Pokwang na ayusin ang kanilang pagsasama alang-alang kay Malia.

Mula mismo kay Pokwang, mabuti na lang daw at hindi sila kasal ni Lee.

This explains why Malia is legally surnamed Subong na totoong apelyido ni Pokwang.

Nagpost kasi si Pokwang sa Instagram na: “Done. It’s time to fly high.”

Na-misinterpret ito ng isang netizen na nagpost na inihahanda na raw ng komedyante ang pagpapawalang-bisa sa kanilang kasal ni Lee.

At doon nga sinabi ni Pokwang that it’s a good thing that they’re not married.

Samantala, hindi na papayagan ni Pokwang na pasamahin si Malia kay Lee sa Amerika.

Ani Pokwang, bahala na raw si Lee na magpaliwanag sa mga magulang nito kung bakit hindi nila personal na makikita’t makikilala ang bata.

Hindi malayong si Pokwang pa ang gumastos sa airfare ng mag-ama dahil base sa kanyang kuwento sa vlogger-friend na si Ogie Diaz ay ang komedyana ang gumagastos sa mga US trips ni Lee noong nagsasama pa sila.

Naikuwento rin ni Pokwang that as much as she wanted to resolve the issue ay laging umiiwas si Lee sa kanya. Ronnie Carrasco III

Previous articlePinas makatatanggap ng 300K pang bivalent COVID-19 vax
Next articleStudent groups sa Senado: Pagpili ng studes sa volunteer work kaysa ROTC, suportahan