Usapin sa CDO vs. ABS-CBN, Skycable, pinaubaya ng Palasyo sa NTC

Usapin sa CDO vs. ABS-CBN, Skycable, pinaubaya ng Palasyo sa NTC

July 1, 2020 @ 4:15 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Ipinaubaya ng Malakanyang sa National Telecommunications Commission (NTC) ang desisyon makaraang iutos ng ahensya na ihinto ng ABS-CBN ang operasyon nito ng Channel 43 at subsidiary nitong Sky Cable Corp.

Sa isang panayam, nanindigan si presidential spokesperson Harry Roque na NTC ang may kapangyarihan sa usapin.

“Whatever it is that the NTC issued, that’s pursuant to the fact that the additional franchises of ABS-CBN to operate its additional channel have also expired,” aniya.

“We defer to the actions of the NTC because it is the administrative agency specifically created by law to deal with these matters and of course we can only respect the provision of the Constitution that broadcast companies can only operate with a valid franchise issued by Congress.”

Nitong Martes, inutos ng NTC sa network na agad na ihinto ang digital TV transmission nito sa Metro Manila gamit ang Channel 43 dahil ayon sa ahensya, sakop ito ng cease and desist order na ibinaba noong Mayo 5.

Ganito rin ang kautusang ibinaba ng ahensya laban sa Sky Cable Corp., dahil sa umano’y kawalan ng prangkisa nito.

Agad namang tumalima ang ABS-CBN at Sky Cable sa direktiba ng NTC kahit pa sinabi ni president at CEO Carlo Katigbak na hindi sakop ng cease and desist order ang Channel 43.

Samantala, ilang partylist naman kagaya ng Gabriela Women’s Party ang pumalag sa pagkakalabas ng cease and desist orders laban sa network.

“Malinaw na hindi talaga ito usapin ng prangkisa. Usapin ito ng pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag. At ang kalayaan sa pamamahayag na ito ay binubusalan at tinotokhang habang pinagkakaitan ang ordinaryong mamamayan ng mahahalagang balita,” katuwiran ng grupo. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...