Home NATIONWIDE UST ‘media censorship’ kinondena ng Thomasians

UST ‘media censorship’ kinondena ng Thomasians

MANILA, Philippines- Umapela ang mga estudyante at alumni ng Santo Tomas (UST) sa anila’y media censorship ng Office for Student Affairs (OSA) ng paaralan.

Nagsimula ang isyu sa larawang kuha noong February 15 na nai-post sa social media ng online media organization ng unibersidad, ang TomasinoWeb (kilala rin bilang TomWeb), na ipinag-utos na burahin.

“We posted an album about the Type B season going into full swing, which showcased multiple students in their Type B uniforms. One particular photo was shot in front of a convenience store sa may Quadricentennial Pavilion that depicted two CICS (College of Information and Computing Sciences) students entering the convenience store,” pahayag ni TomWeb Executive Editor Miguel Angelo Sumalinong.

Ani Sumalinong, pinag-usapan ang nasabing larawan online dahil sa pagkakahalintulad ng uniporme ng CICS students sa store staff.

Aniya, ipinatawag ng CICS – Student Welfare Development Committee (SWDC) ang photographer upang kausapin ang college dean.

“Then slowly after yung OSA pinatawag na rin kami, so meetings happened the following day wherein the result from OSA was to take down the photo kasi members of the organization including Sir Leo (Laparan II, the TomasinoWeb adviser)  would face possible sanctions and natatakot sila about what (the store) would say,” giit niya.

“So ending, from all the meetings, was we had to take down the photo and issue a public apology to make up for it,” patuloy ni Sumalinong.

Inanunsyo ng TomasinoWeb na pansamantala nitong ititigil ang operasyon matapos bumaba sa pwesto ni Laparan bilang organization adviser. Ipagpapatuloy ni Laparan ang pagiging Journalism instructor sa unibersidad.

“In view of the resignation of our organization adviser, and following the protocol of the Office for Student Affairs, our publication on ALL social media platforms will be on hold until further notice,” anang TomWeb nitong Lunes.

Ibinahagi ng mga miyembro ng Thomasian community ang photo online bilang protesta.

Nitong Lunes, kinondena ng student group Anakbayan kasama ang TomasinoWeb at ibang progresibong Thomasian youth groups ang anito’y paglabag ng UST-OSA sa freedom of expression at press freedom.

Nagtipon din ang ilang estudyante sa Padre Noval gate ng paaralan upang iprotesta ang tinatawag nilang “media censorship”.

Samantala, naglabas ng pahayag ang National Union of Journalists of the Philippines, kung saan binanggit na “any imposed takedown, especially over an imagined slight and not because of a factual or ethical lapse, erodes press freedom and the independence of the press.”

“The Catholic school should instead uphold the dignity of work and honour the workers’ contributions to the Philippine society. Unfortunately, this instance of censorship is just the latest and most high profile in the campus press, which has faced intimidation, repression, and lack of financial support in campuses across the Philippines,” giit ng NUJP.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang UST-OSA ukol dito. RNT/SA

Previous articleKaso ng tigdas umakyat ng 79% noong 2023
Next articleBacklog ng LTO sa driver’s license 3M; plaka 12.5M