MANILA, Philippines – Itinakda ng University of Santo Tomas (UST) ang taunang Paskuhan concert sa Disyembre 21, 2023.
May tema itong “Paskuhan 2023: Witnessing the Joy of Christmas,” kung saan ang pagbubukas ng mga ilaw sa campus at pagpapailaw sa 70-foot-tall Paskuhan tree ay bubuksan sa Disyembre 1, alas-6 ng gabi.
Susundan ito ng Paskuhan Mass at Thomasian Christmas feast, Agape, kung saan ang Thomasians ay magsasama-sama gaya ng isang pamilya.
Inaasahan sa Disyembre 21 na magtatanghal ang iba’t ibang banda at artists na susundan ng
pyro-musical display.
Sa kabila nito, nilinaw ng pamunuan na ang Paskuhan concert ay magiging limitado lamang sa Thomasians at alumni community.
“However, Paskuhan-related events at the UST Museum and Masses will be accessible to outsiders,” sinabi ng Varsitarian. RNT/JGC