Home HOME BANNER STORY Utang ng Pilipinas lumobo sa P14.48T

Utang ng Pilipinas lumobo sa P14.48T

MANILA, Philippines – Umakyat pa ang utang ng bansa sa pagtatapos ng Oktubre 2023.

Sa datos na inilabas ng Bureau of the Treasury (BTr) nitong Martes, Disyembre 5, nasa P14.48 trilyon na ang outstanding debt ng pamahalaan, o mas mataas ng 1.49% mula sa P14.27 trillion sa pagtatapos ng Setyembre 2023.

Sinabi ng Treasury na ang month-on-month increase sa debt stock ng pamahalaan ay nagpakita ng “net issuance and availment of domestic and external loans, as well as the revaluation effect of peso depreciation against the US dollar.”

Sa kabuuang debt balance, 68.38% ang “locally sourced” habang ang 31.62% ay mula sa foreign sources.

Ang domestic debt ng bansa ay nasa P9.90 trillion, o tumaas ng 1.73% mula sa P9.73 trillion sa pagtatapos ng Setyembre.

Sa kaparehong buwan, nag-isyu ang pamahalaan ng P213.42 billion sa domestic debt securities, kumpara sa principal payments na nagkakahalaga ng P45.68 billion, na nagreresulta naman sa net repayment ng P167.75 billion.

Idinagdag pa ng BTr na ang epekto ng local currency depreciation laban sa US dollar sa debt stock valuation ay maliit lamang sa P230 million.

Ang year-to-date domestic debt ay nakakita ng increment na P693.95 billion o 7.54%.

Samantala, ang foreign debt, ay lumago ng 0.97% sa P4.58 trillion mula sa P4.53 trillion month-on-month.

“For October, the increase in external debt was due to the net availment of foreign loans amounting to P33.52 billion, and the P11.84 billion upward adjustment in valuation caused by peso depreciation against the US dollar,” pahayag ng Treasury.

Ang external debt ng bansa ay tumaas ng P367.99 billion o 8.74% mula sa end-December 2022 level na P4.21 trillion.

Habang ang debt-to-gross domestic product (GDP) ratio, na sumusukat sa halaga ng debt relative ng bansa sa “size of the economy” na bumuti sa 60.2% as sa third quarter ng taon mula sa 61% sa second quarter.

Ito ay kasunod ng mas mataas na paglago ng ekonomiya na nakita sa kaparehong panahon sa 5.9% mula sa 4.3% noong second quartre.

Ang lower debt-to-GDP ratio ay nagpapakita na kayang bayaran ng bansa ang utang nito na walang matinding epekto sa ekonomiya.

Sa ilalim ng Medium Term Fiscal Framework ng administrasyon, layon ng pamahalaan na mapababa pa ang debt-to-GDP ratio ng mas mababa sa 60% sa 2025 at pababain pa ito sa 51.1% sa 2028.

Bago ang COVID-19 pandemic, ang debt-to-GDP ratio ng Pilipinas ay umabot sa record low na 39.6% noong 2019. RNT/JGC