MANILA, Philippines – Tumaas ng 0.7% o karagdagang P96.44 bilyon ang utang ng bansa na nagdala sa P14.15 trillion debt stock sa pagtatapos ng Hunyo.
Ayon sa Bureau of Treasury, sa kabuuang obligasyon, 69% o P9.81 trillion ang inutang mula sa domestic lenders habang 31% o P4.43 trillion ang mula sa foreign lenders.
Sa ilang sunod na buwan, tumaas ng 1.1 percent ang domestic borrowings o katumbas ng P109.5 bilyon sa paglalabas ng pamahalaan ng mas maraming bonds kaysa sa pag-redeem nito.
Sa kaparehong panahon, bumaba naman ang foreign debt ng 0.3% o P13.1 billion sa paglago naman ng halaga ng piso noong Hulyo. RNT/JGC