Home NATIONWIDE ‘Utang’ sa health worker, ilarga na – Sen. Go

‘Utang’ sa health worker, ilarga na – Sen. Go

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Christopher “Bong” Go ukol sa panukalang P19.9 bilyong pondo na inilaan sa hindi nababayarang allowance para sa healthcare workers.

“We want to know if this budget is enough to cover the balances due to our healthcare workers. We must properly compensate our health workforce,” ani Go.

Nauna nang nanawagan si Go sa Department of Health (DOH) at Department of Budget and Management (DBM) na pabilisin ang pagpapalabas ng COVID-19 allowances para sa healthcare workers.

Pinaaapura niya ang pagbibigay sa HCWs ng kanilang benepisyo, lalo sa naging serbisyo ng mga ito noong pandemya.

“Naipasa naman po natin yung batas para dito noon, itong health allowance nila. Mahirap pong maging frontliner sa panahon ng pandemya, hindi po natin mababayaran ng kahit anuman po ang buhay na kanilang sinakripisyo. So pagtulungan po natin ito,” ayon sa senador.

Si Go ay isa sa may-akda at co-sponsor ng Senate of Republic Act No. 11712 na nagbibigay ng mga benepisyo at allowance sa healthcare worker sa panahon ng public health emergency tulad ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Go na gabang ginagawa ang lahat para gawing mas accessible sa mga Pilipino ang healthcare, huwag ding kalimutan ang kapakanan ng healthcare workers.Umapela siya sa DOH at

sa finance managers na tiyakin na nailalarga ang mga benepisyo para sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan nang walang pagkaantala.

Maaalalang pinasalamatan ni Go si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kautusan nito na ilabas na ang COVID-19 emergency allowance noong kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

“Natutuwa at nagpapasalamat tayo na napakinggan ng ating Pangulo ang hinaing ng ating healthcare workers at tinugunan niya ito sa kanyang SONA. Even with the lifting of the State of Public Health Emergency, unahin po natin ‘yung mga medical frontliners natin na nagsakripisyo para sa ating mga kababayan,” anang senador.

Ayon sa mambabatas, may State of Public Health Emergency man o wala, dapat tuparin ng gobyerno ang mga obligasyon nito na protektahan ang buhay ng mga Pilipino, pangalagaan ang kanilang kalusugan, at ibigay ang nararapat sa kanila, lalo na sa medical frontliners.

Kaya naman muli siya umapela sa DBM at sa DOH na bilisan ang pagbibigay ng allowances sa HCWs na maituturing na napakaliit kumpara sa kanilang sakripisyo. RNT

Previous articlePH gov’t pinasasagot ng SC sa petisyon vs MIF
Next articlePH gov’t naglunsad ng imbestigasyon vs ‘illegal recruitment’ ng mga Pinoy sa Italy