MANILA, Philippines – BANGKAY at duguan nang matagpuan ang isang utility worker/part time money lender ng isang concern citizen nang pagbabarilin matapos na makipagtalo sa hindi pa malamang kadahilanan, ng hindi pa tukoy na salarin nitong Martes ng gabi, Agosto 29, Barangay Gulod Cabuyao City, Laguna.
Kinilala ang biktimang nasawi na nagtamo ng tama ng bala sa bahagi ng katawan mula sa hindi pa matukoy na armas na si Aradello Manubas Dela Paz, nasa hustong gulang, utility worker/part time money lender, naninirahan sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa nakasaksi, dakong alas-8:45 ng gabi habang naglalakad patungo sa St. Joseph 7 sa Barangay Gulod nang bigla umanong makarinig ng pagtatalo at sunod-sunod na putok ng baril mula sa kinaroroonan ng biktima, kung saan duguan at wala ng buhay nang matagpuan ang nasabing utility worker.
Samantala patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at pagtugis ng Cabuyao Police Station sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen patungo sa direksyon ng Barangay Gulod, para panagutin ang suspek sa pagpaslang sa biktima. Ellen Apostol