Home ENTERTAINMENT Utol ni Michelle, papasukin ang showbiz, naghahanap ng manager!

Utol ni Michelle, papasukin ang showbiz, naghahanap ng manager!

Manila, Philippines- Unti-unti na ngang umuusad ang career dito ni Abraham Lawyer.

Si Abraham o may palayaw na Abe ay 20 anyos na modelo na half-brother ni Miss Philippines Universe 2023 Michelle Dee.

Abe is the son of 1979 Miss International Melanie Marquez by estranged American husband and ranch owner Randy “Adam” Lawyer.

Naging viral ang mga videos ni Abraham nang lumaban ang kapatid sa Miss Universe na ginanap sa El Salvador.

Ang mundo ng modeling ang nagsilbing daan para maging cover si Abraham ng November-December issue ng Parcing Magazine.

“Modeling is not a subject on vanity,” aniya, bagkus ay itinataas daw nito ang value ng tulad niya in a demanding market.

Una pa lang nakita ng publiko si Abraham ay marami ang nagsasabing he can pass for a TV/ movie star.

Ayon naman sa inang si Melanie, kailangan daw matutong managalog ang anak.

As for Abraham, kabilang ang pagpasok sa local showbiz sa mga aspirations niya.

May panawagan din siya tungkol sa isang mahusay na magma-manage sa kanyang karera.

TV career-wise, hindi na gaanong mahihirapan si Abraham dahil isang GMA artist ang half-sister niyang si Michelle.

Eh, bakit hindi na lang din si Michelle ang kuning manager ni Abraham? Ronnie Carrasco IIi

Previous articleBangkay ng lalaki nasilo sa ilog ng Cagayan
Next articleProbisyon ng anti-political dynasty sa SK law, pinaaalis ng solon