Home METRO Utol tigok kay kuya sa away-lupa

Utol tigok kay kuya sa away-lupa

ALFONSO, Cavite-NAUWI sa madugong trahedya ang inuman magkakapatid matapos pagtatagain ang isang lalaki ng kanyang kuya dahil sa pinag-aawayan lupa noong Miyerkoles sa bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Manolito Mendoza, 45, habang nadakip naman ang suspek at kuya nitong si Roberto Mendoza, 50, kapwa residente sa Barangay Manggahan 2, Alfonso Cavite.

Ayon kay Police chief Master Sergeant Lope Gubot, chief investigator ng Alfonso Municipal Police Station, bandang 4:15 PM ng maganap ang krimen sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisysa, nag-iinuman ang dalawa at iba pa nilang magkapatid at malasing ay naungkat ang usapin tungkol sa pinag-aagawan nilang lupa na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Mabilis na kumuha ng itak ang matandang Mendoza at tinaga sa ulo ang kapatid na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen agad naman nadakip ng mga rumespondeng pulis ang suspek.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Alfonso MPS ang suspek at nahaharap sa kasong homicide./Mary Anne Sapico

Previous articleSolons, dedma sa pagbawi ng Chinese ODA sa railway projects
Next articleSnatser timbog sa Pasay