Home NATIONWIDE Utos na pagbuwag sa Task Force Davao ‘di totoo – AFP

Utos na pagbuwag sa Task Force Davao ‘di totoo – AFP

MANILA, Philippines- Pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dnitong Martes ang pahayag ni dating presidential spokesperson Harry Roque na pagbuwag sa Davao military task force.

“[T]here is no such issuance of any directive for the disbandment of Task Force Davao,” ayon kay AFP public affairs chief Col. Xerxes Trinidad.

Nitong weekend, pinalitaw ni Roque ang posibilidad na buwagin ang Task Force Davao dahil umano sa pagiging tapat nito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

“Alam nila na loyal sa mga Duterte itong Task Force Davao, so parang nagkaroon nga ng — well, ‘yan po ang ugong-ugong ngayon — na bubuwagin daw ang task force Davao,” Roque aniya sa kanyang Facebook live nitong Linggo.

Itinatag ang task force noong April 16, 2003, kasunod ng terror attacks sa Davao airport at Sasa Wharf sa nasabing lungsod sa parehong taon. RNT/SA

Previous articleTulfo sinopla ni Galvez sa Senate hearing: ‘Hindi kami corrupt’
Next articleTsina nakialam sa halos kalahati ng PH resupply missions – Navy