Home NATIONWIDE Utos ni PBBM sa DPWH: Problema ng pagbaha sa NLEX, solusyunan agad!

Utos ni PBBM sa DPWH: Problema ng pagbaha sa NLEX, solusyunan agad!

345
0

MANILA, Philippines – KASUNOD nang pagbisita sa mga lugar na binaha sa Bulacan at Pampanga, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad na gumawa ng aksyon kaugnay sa mga alalahanin ng mga residente partikular na sa pagbaha sa mga kalsada tungo sa mga lalawigan.

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na inatasan ng Pangulo ang departamento na lutasin ag pagbaha sa isang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) bridge na kumokonekta sa dalawang lalawigan.

“Well, that’s the instruction that we got yesterday so we are now going to look for the funds actually to be able to gawin namin iyong pagtaas ng existing na tulay,” ayon kay Bonoan.

Sinabi pa nito na kinokonsidera ng Pangulo ang proyekto  bilang “urgent matter” na personal nitong dadaluhan.

Inaasahan naman na ang proyekto ay makokompleto sa loob ng ilang buwan.

“Medyo itataas po namin ay iyong existing tulay that crosses over the NLEX ‘no but itataas lang po namin iyong tulay and then NLEX will also raise their carriage wing nila,” ayon kay Bonoan nang tanungin ukol sa consensus sa pagitan niya at ng Panulo sa kung paano reresolbahin ang pagbaha sa NLEX.

“One of the ideas or the concepts that had been floated up during the discussion is actually (the) impounding area in the Candaba swamp,” aniya pa rin.

“There’s going to be a technical study that will be undertaken to implement the impounding area program with the objective to be a more permanent and long-lasting solution,” dagdag na wika nito.

Samantala, tinugunan naman ni Bonoan ang tanong hinggil sa blockage ng waterways sa Bulacan, sinang-ayunan na dapat na panatilihin itong nakabukas at libre sa debris.

“Iyong mga ginagawa naming mga bypasses, we make sure na hindi ka talaga nakakabara ng mga waterways,” ayon kay Bonoan.

Binigyang diin naman ni Bonoan ang pangangailangan na itaas ang “carrying capacity” ng ilog sa Bulacan upang mapabilis ang daloy ng tubig-baha tungo sa Manila Bay. Kris Jose

Previous articlePresensya ng PCG sa WPS, palalakasin pa
Next articlePamahalaan planong magdagdag ng malalaking barko sa PCG

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here