MANILA, Philippines – Posibleng ulanin ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng mga Puso, Pebrero 14, dahil sa northeast monsoon o amihan at trough ng low pressure area (LPA), ayon sa PAGASA.
Batay sa 24-hour public forecast, sinabi ng PAGASA na inaasahang magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas at Mindanao ang trough ng LPA.
Nagbabala rin ito ng posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mahina hanggang katamtaman, na minsan ay may kalakasan na mga pag-ulan.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may mga mahihinang pag-ulan dahil sa amihan. RNT/JGC