Home HOME BANNER STORY Validity ng driver’s license pinalawig ng 1 taon – LTO

Validity ng driver’s license pinalawig ng 1 taon – LTO

428
0

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga lisensya sa loob ng isang taon habang ang produksyon ng drivers license cards ay naka-hold pansamantala.

Ayon sa LTO, maari pa ring magamit ng mga motorista ang expired drivers license.

“We confirm the one-year extension [of the validity of driver’s license],” ani LTO Chairman Vigor Mendoza II sa House Committee on Appropriations matapos umapela si Agri Party-list Rep. Wilbert Lee at Northern Samar Rep. Raul Daza sa LTO na tulungan ang mga motorista sa kanilang driver’s license renewal.

Nauna nang pinalawig ang validity ng mga driver’s license hanggang Oktubre 31 dahil sa kakulangan ng mga plastic card.

Noong Agosto, sinabi ng LTO na itinigil ng Quezon City Regional Court ang paggawad ng kontrata para sa produksyon ng mga driver’s license card, na umabot ng 1.7 milyong backlogs sa limbo.

Ang 20-araw na TRO ng korte ay kasunod ng petisyon mula sa AllCard, Inc., ang kumpanyang na-disqualify sa bidding para sa supply deal. Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng pinakamababang bid na ₱176.85 milyon, malayo sa nanalong bid na ₱240.1 milyon.

Sinabi ni Mendoza na hindi kailangan bayaran ang extension fee ang mga motorista sa kanilang lisensya sakaling manatiling may bisa ang TRO laban sa paggawa ng mga drivers license card pagkatapos ng 20 araw.

Ang 20 araw na TRO ay inaasahang matatapos ngayong Miyerkules. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleFuel subsidy sa PUV drivers, operators tuloy – LTFRB
Next articleSinasabing tunay na ‘target’ sa Jemboy slay pinagbabaril sa kalsada

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here