Home NATIONWIDE Validity ng special permits sa mga bus sa BSKE, Undas pinalawig ng...

Validity ng special permits sa mga bus sa BSKE, Undas pinalawig ng LTFRB

MANILA, Philippines – Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang validity ng special permit na inilabas para sa mga public utility bus (PUB) unit para sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa Undas at paparating na Barangay and Sanguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa abiso nitong Biyernes, Oktubre 20, sinabi ng LTFRB na ang validity ng special permit ay mula Oktubre 20 hanggang Nobyembre 6, 2023.

Ito ay batay sa Board Resolution No. 065, Series of 2023, na nag-aamyenda sa validity ng special permits na ibinigay sa mga PUB mula sa orihinal na Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, 2023.

Ang special permit ay ibinibigay sa sinumang mayroong Certificate of Public Convenience na humiling na bumiyahe sa labas ng kanilang authoruzed route.

“Sa pamamagitan ng pinalawig na bisa ng special permit, mas matutugunan na ang kakulangan sa mga pampublikong sasakyan sa mga nasabing araw kung kailan tiyak na dagsa ang mga komyuter,” sinabi ng ahensya.

Ayon sa LTFRB, nasa 767 units ang nag-apply para sa special permit na “subject for approval” pa ng Board.

Itinakda ang deadline sa aplikasyon ng special permit noong Oktubre 6. RNT/JGC

Previous article2nd batch ng Filipino repatriates mula Israel dumating na sa bansa
Next articleCristy, may payo kay Sharon sa pagiging ‘patola’!