Home METRO Van bumangga sa oil tanker sa Bataan, 1 patay

Van bumangga sa oil tanker sa Bataan, 1 patay

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos bumangga ang van na minamaneho nito sa isang oil tanker sa Roman Highway, Abucay, Bataan.

Hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan ng drayber, na ayon sa mga imbestigador ay naipit sa unahang bahagi ng van na matinding napinsala.

Kinailangan pang gumamit ng special cutting tools ang mga awtoridad mula sa Metro Bataan Development Authority at municipal risk reduction and management office para mailabas ang katawan ng biktima.

Sa kasalukuyan ay wala pang impormasyon kung ilan ang sakay ng naturang van. RNT/JGC

Previous article2 Amerikanong pedophile naharang ng BI sa Manila, Cebu
Next articleMenor de edad nasuwag ng ambulansya, kritikal