MANILA, Philippines- Sinusuri ang value-added tax (VAT) na ipinapataw sa Pilipinas.
Ito ang isiniwalat ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno sa House Committee on Appropriations sa unang araw ng interpelasyon sa P5.768-trillion National Expenditure Program (NEP).
Sinabi ni Diokno kay Nueva Ecija 3rd district Rep. Ria Vergara sa interpelasyon na ang mga dahilan ng masusing pagrerebisa ay dahil sa aniya’y “‘very low’ yield of VAT, despite its high rate.”
“The value added tax is actually a proportional tax. At the moment we are reviewing our value added tax because it is one of the highest in this part of the world, yet its yield is very low, only 40 percent of what we’re supposed to collect,” ani Diokno.
“So we’re doing a study on the value added tax, which is a nice tax, to make it more effective and more high-yielding,” dagdag na pahayag ng Kalihim.
Ang VAT ay katumbas ng uniform rate na 12% base sa gross selling price ng goods o property na naibenta o gross receipts mula sa ‘sale of services.’
Sa madaling salita aniya, ito ay talagang consumption tax.
Nang tanungin ni Vergara si Diokno kung ang mga “lesser fortunate” na mga Pilipino na nasa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay maaaring maging exempted mula sa VAT, sinabi ni Diokno na ang partikular na buwis ay “pro-poor” naman talaga.
“Right now I think our value added tax is one of the best in terms of being pro-poor because we do not tax food in its original state. In other countries it is also being taxed by vat,” paliwanag ni Diokno.
Aniya, ang mga pagkain na nabibili sa supermarkets o mga palengke ay hindi binubuwisan. Kris Jose