MANILA, Philippines – Ipapakalat na sa susunod na linggo ang mga vote counting machine (VCM) at mga election paraphernalia para sa mga espesyal na botohan sa 7th District ng Cavite na nakatakda sa Pebrero 25.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang deployment ng 426 na VCM sa Pebrero 18 at 19 habang ang sabay-sabay na final testing sa lahat ng 75 voting centers ay sa Pebrero 19.
Ang pag-imprenta ng 355,184 na opisyal na balota ay nagsimula noong Enero 11.
Isasagawa ang special automated polls sa mga munisipalidad sa Amadeo, Indang at Tanza, at Trece Martires City.
Ang espesyal na aktibidad ay maghahalal ng kinatawan ng ika-7 Distrito ng Cavite sa Kongreso, na nabakante ni Jesus Crispin Remulla noong siya ay hinirang na kalihim ng Department of Justice ilang sandali matapos ang botohan noong Mayo 2022.
Ang apat na kandidato ay sina Jose Angelito Aguinaldo, Melencio De Sagun Jr. , Michael Angelo Santos, at ang anak ni Justice Remulla na Crispin Diego Remulla, sa ilalim ng National Unity Party.
Si Sagun ay dating alkalde ng Trece Martirez habang ang nakababatang Remulla ay nahalal noong nakaraang taon bilang ika-pitong District Board member. Jocelyn Tabangcura-Domenden