Veggie Drop-Off sa QC, dinagsa ng mga mamimili

Veggie Drop-Off sa QC, dinagsa ng mga mamimili

March 7, 2020 @ 1:37 PM 3 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Muling nagtipon-tipon sa Metro Manila ang mga magsasaka mula Benguet ngayong weekend upang ibenta ang mga sariwang gulay direkta mismo sa mga konsyumer.

Sa Quezon Memorial Circle in Quezon City, matiyagang pinilahan ng mga konsyumer ang naturang pamilihan habang hinihintay ang kanilang numero upang makabili ng sariwa at mataas na kalidad ng gulay sa ngunit mas mababa sa presyo ng sa pamilhan.

(c) Kuha ni Danny Querubin

Ibinibenta sa halagang P80 kada kilo ang broccoli, cauliflower at romaine lettuce.

Sa halagang P40, makakabili na ng isang kilo ng carrots. P65 kada kilo naman ang kalamansi.

(c) Kuha ni Danny Querubin

Sa mga supermarket naman sa Metro Manila, ibinibenta sa halagang P340 kada kilo ang broccoli at cauliflower habang P300 kada kilo naman ang romaine lettuce.

(c) Kuha ni Danny Querubin

Ginawang paraan ang Veggie Drop-Off upang matulungang maibenta ng mga magsasaka sa Benguet ang kanilang suplay.

Ibebenta ang mga gulay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi at may limit na isa hanggang dalawang kilo kada isang mamimili.

(c) Kuha ni Danny Querubin

Unang isinagawa ang Veggie Drop-Off sa Rizal Park sa Manyila nitong nakaraang weekend. Remate News Team|MM/Danny Querubin

Share

Leave a Reply

Loading...