MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang dalawang (2) vendor makaraang umanong mahulihan ng hinihinalang shabu matapos mataranta sa check point ng mga pulis at nagtangka pang tumakas sa Brgy. Unang Sigaw, Quezon City kaninang umaga, Pebrero 2.
Nabatid kay PLTCOL. Mark Janis Ballesteros hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa kinilala ang mga nadakip na sina Leo Miculob, 41, binata, vendor, residente ng Blk. 15, Lot 23, Brgy. Panghulo, Malabon City at Flaviano Dollete, 25, may live-in partner residente ng Blk. 17, Lot 15, Karisma Street, Brgy. Panghulo, Malabon City.
Ayon kay Cpl. Neil Christian Fresco investigator nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng East Service Road, Brgy. Unang Sigaw, Quezon City dakong 7:40 ng umaga.
Sinabi ni Fresco na nagsasagawa ng police checkpoint ang mga tauhan ng QCPD Station 3 Talipapa sa pangunguna ng team leader nito na si Capt. Leodivico Perez sa naturang lugar nang sitahin ng mga pulis ang mga suspek habang sakay ng motorsiklo.
Hinihingi ng mga pulis ang drivers license ng driver ng motorsiklo na si Miculob at nakita ang isang piraso ng transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu sa drivers license nito.
Dahil dito ay nataranta ang mga suspek at nagtangka pa tumakas subalit agad din na naharang at naaresto ng mga pulis.
Nakuha mula sa suspek ang tatlong piraso ng maliit na transparent plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu na may timbang na 0.5 gram na may street value na P3,400.
Nakapiit ngayon ang mga suspek sa naturan himpilan at nahaharp sa kasong illegal drugs. Santi Celario