Home ENTERTAINMENT Venice at Lorin, nagsalita na sa hiwalayang Richard at Sarah!

Venice at Lorin, nagsalita na sa hiwalayang Richard at Sarah!

Manila, Philippines- Hangga’t maaari ay umiiwas ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez sa isyung kinasasangkutan ng ilang moyembro ng kanilang pamilya.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na marami na rin ang nadadamay sa paghihiwalay ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

These past months, Gutierrez matriarch Annabelle Rama has joined the fray.

Kung as much as possible ay hands off si Ruffa, ganoon din ang kanyang mga anak kay Ylmas Bektas na sina Lorin at Venice.

Kapwa aminado ang mga dalaga ni Ruffa na mahal nilang lahat ang kanilang mga family members.

Sa katunayan, patuloy raw nila-like nina Lorin at Venice ang mga posts ng kanilang Tita Sarah sa social media.

Siyempre, hindi maiiwasang maglabas ng saloobin sina Lorin at Venice sa “pakikisawsaw” ng kanilang lola na si Annabelle.

Cryptic o idinaan nga sa blind item ang latest post ng feisty showbiz mom believed to be a slur against her daughter-in-law.

Ano ang take ng magkapatid dito?

Ani Lorin, nakasanayan na raw nila ang kanilang lola who speaks her mind.

Kung si Venice naman ang tatanungin, hinahayaan na lang daw nila ang kanilang lola: “Matanda na kasi!”

Kung matatandaan, nangunguna noon si Ruffa sa mga ‘di pabor na ipawalang-bisa ang kasal ng kapatid sa kanyang hipag.

Ito’y matapos magpulong umano ang mga Gutierrez tungkol sa sitwasyong kinapapalooban nina Richard at Sarah.

Ang pangunahing concern ni Ruffa ay ang kanyang mga pamangking sina Zion at Cai na lumalaki’t nagkakaisip. Ronnie Carrasco III