Home NATIONWIDE Vergeire: P809M cancer fund, walang bawas

Vergeire: P809M cancer fund, walang bawas

93
0

MANILA, Philippines- Nanatiling ‘buo’ ang P809 milyong cancer fund, ayon sa Department of Health sa kabila ng mga alegasyon ng pagsasabwatan.

Ipinaliwanag ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire na sa halip na centrally-procured ang pondo, kailangan nilang direktang ilipat ang pera sa mga ospital para mapabilis ang proseso, na binanggit ang mga pagkaantala noong nakaraang taon.

Inaprubahan aniya ito ng National Integrated Cancer Control Council, ang pinakamataas na policy-making body for cancer control sa bansa kong saan siya noon naging miyembro.

“Dahil nga po ‘yung ating pinabibili dati natin ng gamot ‘yung mechanism natin dati hindi mapayagan ng ating COA (Commission on Audit) because may unliquidated funds ‘yung bumibili po ng gamot natin, so we had to have another means of procurement,” pahayag ni Vergeire. “Wala pong nawala dito sa prosesong ito.”

Sinabi ni Vergeire na ang mga ospital ang siyang nagpapadala ng bilang ng pasyente at gamot na kailangan upang matukoy ang halaga ng pondo na kanilang matatanggap.

Dagdag pa na nakatanggap din ang ibang ospital ng isa pang uri ng cancer funds na kanilang magagamit para makakuha ng gamot.

Inulit din ni Vergeire na ang proseso ay “aboveboard,” na nagsasabing ang National Integrated Cancer Control Council ay binigyan ng mga opsyon kung paano bumili ng mga gamot sa kanser sa panahong iyon.

“Gusto ko lang pong sabihin sa ating mga kababayan, lahat po ng ginawa naming proseso ukol dito sa pagda-download ng pera natin was aboveboard. This was through the National Integrated Cancer Control Council,” anang opisyal.

Sinabi ni Dr. Clarito Cairo Jr., ang program manager ng cancer control division ng DOH’s Disease Prevention and Control Bureau, na inilipat ang mga pondo sa 20 specialized public hospitals sa halip na 31.

Sinabi niya sa kanyang reklamo sa Office of the Ombudsman na lubhang nakapipinsala sa gobyerno at isang matinding kapinsalaan sa mga pasyente ng kanser.

Ayon naman kay Vergeire, hindi pa nila natatanggap ang anumang dokumento kaugnay sa reklamo ni Cairo sa Ombudsman. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTaas-presyo ng basic goods, oks na sa DTI
Next articleBus terminal sa Cubao, nasunog!