Home METRO Vessel sumadsad; 106 pasahero ligtas

Vessel sumadsad; 106 pasahero ligtas

MANILA, Philippines- Iniulat ng Philippine  Coast Guard (PCG) nitong Linggo na 106 pasahero ang inilikas mula sa isang vessel na sumadsad mula sa port of Coron sa Palawan.

Sinabi ng PCG na nakaranas ang cargo-passenger vessel MV St Francis Xavier patungong Puerto Princesa City ng aberya sa makina noong Sabado ng hapon nang paalis na ito.

Sumadsad ang nasabing vessel sa mababaw na katubigan malapit sa pier sa kasagsagan ng low tide habang nakaangkla.

Muli itong gumana ng alas-10 ng gabi subalit nanatiling nakasadsad ang bahagi ng MV St Francis Xavier.

Wala namang natukoy na oil spill ang Marine Environmental Protection Unit at CGS Northeastern Palawan sa paligid ng vessel.

Nakatakdang bumalik ang MV St Francis Xavier sa port of Coron para sa pagsusuri bago ang sunod nitong paglalayag. Kinukumpuni rin ang generator nito.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento ang 2GO, operator ng MV St Francis Xavier, ukol dito. RNT/SA