MANILA, Philippines – Nakakuha ng aabot sa 1.5 tonelada ng tuna at iba pang high-value species ang barko na ibinigay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda sa Northern Samar sa unang paglalayag nito.
Ayon sa ulat ng BFAR nitong Martes, Mayo 23, matagumpay ang kauna-unahang test-fishing mission ng FV/DA-BFAR 2102 steel hulled fish harvester sa Pacific Ocean mula Mayo 15 hanggang 16.
Sa panayam, sinabi ni Dan De San Miguel, BFAR tuna conservation management zone focal person, na sakay ng barko ang mga lokal na mangingisda, lokal na opisyal ng pamahalaan, piling technical staff ng
BFAR central office at Eastern Visayas regional office, at mga tauhan mula sa
BFAR provincial fishery office.
“The expedition evaluated the performance and capabilities of the vessel and assess(ed) the skills of its municipal fisherfolk crew members in the actual operations of the said 50 gross ton fishing vessel within commercial waters. The fishermen’s cooperative will be trained further on how to further improve their fishing activities using the new ship,” ani De San Miguel, na kasama ng mga mangingisda sa ekspedisyon.
Siniguro niya ang sustainability sa operasyon ng barko dahil na rin sa serye ng mga pagsasanay kung paano paganahin ang barko.
Sa pagdating ng barko sa Port of Mapanas sa Northern Samar, tinuruan naman ng lokal na pamahalaan at BFAR ang mga residente ng nasabing bayan sa tamang fish storage at pagbebenta ng mga nahuli.
Advertisement