Home METRO Veteran broadcaster Jay Sonza posibleng makalabas na ng piitan ngayong araw

Veteran broadcaster Jay Sonza posibleng makalabas na ng piitan ngayong araw

MANILA, Philippines – POSIBLE na ngayong araw ay makakalabas na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) isolation facility sa Payatas, Quezon City ang veteran broadcaster na si Jay Sonza.

Ito ang inihayag ni BJMP spokeperson Chief Inspector Jayrex Joseph Bustinera na pwede nang makalaya ni Sonza sa piitan matapos na ibasura ng dalawang korte sa Quezon City ang dalawang kaso nito na non-bailable offense.

Napag-alaman na ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) Branch 100 ang syndicated at large scale illegal recruitment ni Sonza dahil sa kabiguan na pagdalo ng mga complainant na siyang dahilan din sa pagbasura ng QCRTC Branch 215 sa kasong Estafa.

“Sa ngayon po, ang natitirang kaso na lamang ni Sonza ay ang libel case na bailable offense at sakaling makapaglagak siya ng piyansa ay pwede na po siyang makalabas ng kulungan” saad ni Bustinera.

Naghihintay na lamang ang BJMP na makapagpiyansa ngayon araw si Sonza at ang order ng korte para sa pagpapalaya sa veteran broadcaster. Jan Sinocruz

Previous articlePlanong pagbuo ng 2M direct jobs ‘gang 2028 pinag-usapan nina PBBM, PSAC
Next articleEx-Manila Vice Mayor Danny Lacuna inilibing na