Home NATIONWIDE VFA sa pagitan ng Pilipinas, Japan, constitutional – Tolentino

VFA sa pagitan ng Pilipinas, Japan, constitutional – Tolentino

68
0

MANILA, Philippines- Inihayag ni Senador Francis Tolentino nitong Linggo na walang masama kung magkakaroon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Japan dahil alinsunod ito sa ating Saligang Batas.

Inihayag ito ni Tolentino matapos magkasundo sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin ang defense at security relations ng dalawang bansa sa pamamagitan ng bilateral discussion na tutugon sa regional at international situations, partikular sa Indo-Pacific region.

Nagkasundo din ang dalawang lider ng Asian na “increase the defense capabilities of their own countries, and further strengthen overall security cooperation,” which will be accomplished through strategic reciprocal port calls and aircraft visits, transfer of more defense equipment and technology, continuous cooperation on previously-transferred defense equipment, and capacity building.”

“Sangayon po ito sa Saligang Batas kasi na meron nang Supreme Court decision dati na nabanggit ang VFA patungkol sa agreement natin sa Estados Unidos,” ayon kay Tolentino sa interview ng Super Radyo dzBB.

“Wala po akong nakikitang mali dito, kaya lang magiging insutitional po ito na lagi silang tutulong sa atin at ang mananaig pong batas diyan ay batas ng Republika ng Pilipinas,” aniya.

Binanggit din ni Tolentino na bukod sa US, may katulad na kasunduan ang Pilipinas sa Australia sa ilalim ng Philippines–Australia Status of Visiting Forces Agreement (SOVFA).

“The VFA is an implementation of the 1951 Mutual Defense Treaty forged by the US and the Philippines as security partners after World War II. It is a framework agreement that covers the treatment and presence of American forces in the country with or without war games,” paliwanag ni Tolentino.

Sa VFA, naging posibleng makatulong ang US military sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsugpo ng extremist groups sa pamamagitan ng pagbibigay tulong-teknikal at enemy surveillance sa sundalong Filipino na nakikipaglaban sa militante.

Ipinaliwanag pa ni Tolentino na malaki ang maitutulong ng katulad na kasunduan sa Japan partikular ang pagpapalakas n g AFP at pagtulong sa panahon ng kalamidad.

“Sa atin mahalaga ito…kasi wala naman tayo sa ngayon na ganung kakayahan na gumastos ng bilyon-bilyong dolyares para palakasin ang Sandatahang Lakas,” aniya.

“Pangalawa, wala naman tayong ganung kalaking resources para ikaltas sa ating national budget para paghanda rin kung ano mang mangyaring kalamidad… Pero ito, meron kaagad na tutulong, meron kaagad na aayuda,” giit ng senador.

Aniya, hindi lamang ang tensiyon sa West Philippine Sea na sinasakop ng China ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng bansa ang VFA sa Japan. Ernie Reyes

Previous articleGo Negosyo 3M (Mentoring, Money, Market) On Wheels, gumulong sa Malabon
Next articlePH gov’t nakahikayat ng 3 interesadong mamuhunan sa Maharlika fund