Home ENTERTAINMENT Vice, di nakapalag kay Darren!

Vice, di nakapalag kay Darren!

📸 Gia Allana

Manila, Philippines- Mismong si Darren Espanto ang lumapit kay Vice Ganda na kung maaari’y mag-guest ito sa kanyang concert.

Darren is set to mark his 10th anniversary in showbiz.

And what better way to celebrate it than staging a concert aptly titled D 10 at the Araneta Coliseum on June 10.

Hindi nga nakapalag pa ang Unkaboggable Star sa inurot ng kanyang co-host sa It’s Showtime.

Inaasahang may matinding pasabog ang production number nina Vice Ganda at Darren.

Baka nga raw makabuo sila ng “loveteam” na tatawaging GanDarren!

Balitang kinausap din daw ni Darren si Martin Nievera para kuning guest performer.

Kaso, outright ay nag-beg off ang Concert King.

Ani Martin, much as he’d like to support Darren’s 10th anniversary concert ay wrong timing daw.

Sa May kasi ay nakatakda ang series of shows ni Martin kasama si Pops Fernandez.

Nangako naman si Martin na hindi niya bibiguin si Darren sa mga susunod nitong pagtatanghal.

Inaasahan naman ang rebelasyon ni Darren sa gabi ng kanyang concert tungkol sa estado ng relasyon nila ni Cassy Legaspi. Ronnie Carrasco III

Previous articleKrimen, human rights abuses bumaba sa unang 2 buwan ng 2024
Next articleTiktok pinagmulta ng Italya ng $11M sa bigong proteksyon sa menor de edad