Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, iniintrigang nagparetoke!

Vice Ganda, iniintrigang nagparetoke!

Manila, Philippines – Pinag-uusapan ngayon ng mga nagdadalahira ang itsura ni  Vice Ganda sa isang portal.

May mga nagmamaldita na nakapansing tumangos daw umano ang ilong nito.

Kaya naman, hindi maiaalis na mag-isip ang mga pa-savage na nagparetoke ito.

May mga pumansin pang maganda ang pagkakatabas ng ilong nito.

Ito naman ang iba’t-ibang hirit ng kibitzers sa gayak ng Unkabogable Star.

“Pansin ko, nagpabawas siya ng ilong.”

“Oo nga. Pero in fairness, maganda ang pagkakagawa niya.”

“Bumagay sa kanya. Pero can afford naman siya.”

“Bet ko ring mag-ipon at magpagawa ng ilong. Char.”

“Kung ikukumpara mo sa first few years niya sa Showtime, ang laki ng improvement niya.”

“Mga mahadera. E, ano naman ngayon kung nagparetoke siya.”

“Hindi na big deal ngayon ang magparetoke o magpa-enhance sa celebrities.”

“Kasama iyon sa investment at puhunan nila.”

“Kailan naman siya magpapa-sex change?”

“Ako lang ba ang nakapansin?” Archie Liao