Vice Ganda, karma is real! – Pastor Quiboloy

Vice Ganda, karma is real! – Pastor Quiboloy

May 24, 2020 @ 3:55 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

“Ngayon naniniwala ka na, karma is real. Bumalik sa iyo, ‘di ba? Ngayon umiiyak ka!!!”

‘Yan ang sinabi ni Pastor Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ sa kanyang latest Youtube video laban kay Vice Ganda.

Kung matatandaan, buwan ng November last year ay ginawang joke ni Vice Ganda sa kanyang programang “It’s Showtime” sa ABS CBN ang pagsigaw ni Pastor Quiboloy ng, “Stop!!!”, sa tumamang lindol sa Metro Manila.

Sa isang punchline sa joke ni Vica Ganda noon, hinamon niya si Pastor Quiboloy na kung puwede ay ipa-“stop” na rin ng religious leader ang traffic sa EDSA at pati na rin ang isa sa mga longest running teleserye ng channel 2, ang “Ang Probinsiyano.”

“Nalulungkot ka Vice, dahil hindi mo mapigilang umiyak, dahil wala na ang mga programa niyo…?

“Ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan. ‘Pag binigyan kayo ng pabor sa buhay, ‘wag kayong ganu’n.

“O, nakita mo na, na may Diyos sa langit…? Siya ang tumitimbang sa mga tao sa lupa, kung ano ang ginagawa nila….

“Hustisya ang Diyos, Vice Ganda…

“Siguro ang iba niloloko mo, wala namang kinalaman sa Diyos sila, nakakaligtas ka du’n….pagkatapos sinama mo pa ako?

“Ngayon, napatunayan mo na may Diyos na nagpadala sa akin….”

‘Yan ang ilan sa mga pahayag ni Pastor Quiboloy patungkol sa hamon ng komedyante sa kanya noon.

“Nag-prophesize ka Vice, ngayon wala na ang programa mo, wala ng traffic sa Edsa, wala na ang “Ang Probinsiyano,” dapat magsaya ka sapagka’t natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo!

“Nagkamali ka ng pinakialaman, Vice…! I hope that you learn your lesson,” dagdag pa ni Pastor.

Sinubukan naming kunan ng pahayag si Vice Ganda sa kanyang Instagram Account na @praybeytbenjamin using direct messaging ngunit as of press time ay wala pa siyang sagot. Joey Sarmiento

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...