Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, may hanash sa mga ireponsableng ama!

Vice Ganda, may hanash sa mga ireponsableng ama!

Manila, Philippines – Laging trending at usap-usapan sa social media ang bagong segment ng It’s Showtime na Expecially For You na tungkol sa couples na naghiwalay na.

Trending ang nakaraang episode at naging usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Vice Ganda kaugnay sa pag-aasawa.

Sa nakaraang segment, puna ni Vice, “This opinion might offend other people pero kung wala kang pera, ‘wag kang gumawa ng pamilya.

“Dahil kawawa lalong lalo na kung may iluluwal kang batang hindi mo mapapakain nang maayos,” sabi pa ng Unkabogable Star.

Opinyon pa ni Vice, kawawa ang magiging anak ng isang iresponsableng ama kung magkakaroon siya ng mga anak na hindi naman kayang sustentuhan.

“At the end of the day, ikaw ang sasalba sa sarili mo. Hindi ibang tao, ni hindi gobyerno. Ikaw,” makahuluhan pa niya opinyon. Ador Saluta

Previous articleFlash flood victims sa Sarangani, inayudahan ni Bong Go
Next articleCollege program para sa PDLs aarangkada na