Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, nag-react sa paglipat ng IS sa GTV!

Vice Ganda, nag-react sa paglipat ng IS sa GTV!

Manila, Philippines – Isang madamdaming open letter ang inilabas ni Vice Ganda ngayong kalat na mula sa July 1 ay hindi na sa TV5 mapapanood ang It’s Showtime kundi sa GTV.

Ang GTV o Good TV ay ang subsidiary channel ng GMA.

Ang tanghaling time slot ng IS ay nakalaan na sa bagong Eat Bulaga simula saJuly 1.

Sa panig ng EB, mariin nitong itinanggi na dahil sa kanilang paglipat mula sa GMA kung kaya’t na-bump off ang IS.

Truth of the matter is, nag-expire na ang kontrata ng IS sa TV5.

Malugod namang tinanggap ng pamunuan ng GTV ang IS bilang bagong tahanan nito.

Samantala, ang open letter ni Vice Ganda ay naglalayong palakasin ang loob ng kanyang mga kasamahan sa programa.

Batid daw ng Unkaboggable Star na naguguluhan, nalilito, nalulungkot, nagtataka at iba pa ang kanyang IS family sa bilis ng mga pangyayari.

Sa kabila raw nito’y naniniwala si Vice Ganda na kakayanin nilang lahat ang kanilang kinakaharap.

Aniya, naranasan na raw nilang mabugbog, ma-torture at ilibing nang buhay pero nananatili pa rin silang nakatayo.

Kung tutuusin daw ay tapik na lang daw ito kumpara sa mas matitinding kinaharap nila.

Sa bandang huli, sinabi ng TV host-comedian na ang puso ng madlang people ang siyang tunay na tahanan ng kanilang 14-year-old program.

Samantala, marami ang nagsasabing malaking banta ang IS sa revamped Eat Bulaga.

Exciting abangan ang ratings ng Eat Bulaga sa GMA, It’s Showtime sa GTV at ang kina TVJ at Dabarkads sa TV5 sa July 1! Ronnie Carrasco III

Previous article1 sa 15 suspek sa Negros massacre, tukoy na!
Next articlePBBM sa Maharlika bill: ‘I’ll sign it as soon as I get it’