Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, ‘nagalit’ sa staff ng fastfood!

Vice Ganda, ‘nagalit’ sa staff ng fastfood!

Manila, Philippines – Viral sa social media ang video ni Vice Ganda kung saan pabiro siyang nagalit sa staff ng isang fast food chain na kanyang ini-endorse matapos siyang pagbayarin sa kanyang inorder.

Sa latest vlog ni Vice ay makikitang umorder ng pagkain ang It’s Showtime host sa fast food chain kung saa’y siya ang endorser.

Matapos siyang umorder ay nag-proceed

na siya sa cashier sa drive-thru window kung saan niya babayaran ang mga pagkain na kanyang inorder.

Bagama’t nakilala siya ng staff ay siningil pa rin niya si Vice at dito’y pabirong nagalit si Vice at tinanong kung bakit raw siya sisingilin, e, siya ang endorser?

“Ako ang endorser, sinisingil niyo ‘ko? ’Di ba dapat libre na ‘ko?” pabirong hirit ni Vice Ganda.

Natameme ang staff at ‘di malaman ang isasagot kaya sa puntong ito, nilinaw ng Unkabogable Superstar na biro lamang ito at saka nagbayad na siya sa eksaktong amount. Ador Saluta

Previous articleTrak nahulog sa bangin, 14 patay
Next articleLolo kinatay sa kalsada sa Cagayan