Home ENTERTAINMENT Vice Ganda, umatras mag-anak; Nanay Rosario, may reaksyon!

Vice Ganda, umatras mag-anak; Nanay Rosario, may reaksyon!

452
0

Manila, Philippines – Pasok sana sa banga ang guesting ni Vice Ganda sa Magandang Buhay kung may naibahagi siyang aspeto ng kanyang buhay na masasabing maganda.

Kasamang nag-guest ng Unkabogfable Star sa morning show ang kanyang pamilya.

Isa nga sa pinaksa sa MB ay ang tungkol sa plano ni Vice Ganda na ituloy ang pagkakaroon ng anak via surrogacy.

Matatandaang early this year nang sinabi ng TV host-comedian na desidido na siyang ituloy ‘yon.

Sumangguni pa nga siya sa King of Scents na si Joel Cruz.

Whatever happened na nga ba sa plano niyang ‘yon?

Itutuloy pa ba ‘yon ni Vice Ganda o isinantabi na niya ito?

Aniya, gustung-gusto na nga raw niyang magkaroon ng anak, dangan nga lang at panahon ang kalaban niya.

Hindi raw niya nakuhang asikasuhin ‘yon dala ng kawalan ng oras.

Kaya maging ang paghahanap ng surrrogate mother ay hindi raw niya nahanapan ng panahon.

Kinuha naman ng mga hosts ng MB ang reaksyon ni Nanay Rosario.

Gustuhin man daw ng ina ni Vice Ganda na magkaroon ng apo ay: “Kaso, matanda na siya!”

Ang rason daw na ito ani Vice Ganda ang nagpapa-delay sa kanyang balak.

Hindi lang naman daw si Nanay Rosario ang nagsasabi nito sa kanya, kundi maging ang mga kaibigan niya who find the TV host-comedian way past his age to raise a child.

Dagdag pa ni Nanay Rosario, baka raw hindi na niya maalagaan mismo ang kanyang apo.

By taking care of her grandchild, natural lang daw na alagaan ito ng lola as in changing the baby’s diapers, feeding him, etc.

Nag-aalala raw kasi si Nanay Rosario na baka matulad ang magiging anak ni Vice Ganda sa iba niyang mga apo na hindi na niya naalagaan pagbalik ng bansa.

In-assure naman ni Vice Ganda ang kanyang ina na: “Huwag kang mag-alala, mother, hindi ako mag-aanak para ipaalaga sa ‘yo!”

On having a grandchild, nilinaw ni Nanay Rosario na: “Excited ako na hindi!” Ronnie Carrasco III

Previous articleP200M Ultra Lotto 6/58 jackpot, mailap!
Next articlePH lumagda ng MOU sa pagbili ng fighter jets sa Sweden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here