Manila, Philippines – Sa programang “Showbiz Now Na!” sa YouTube ay pinag-usapan nina Cristy Fermin at Rommel Chika ang umano’y pangako na pagbabahagi ng grasya ni Vice Ganda sa kanyang mga It’s Showtime staff.
“Ako po ay nagkaroon ng pagkakataon na makausap ang isang impormante na napakalapit po sa aking puso dahil nakatrabaho ko nang matagal sa ABS-CBN.
“Ang sabi niya dahil staff siya ngayon ng Showtime, sa isang pag-uusap ay binigyan daw po sila ng assurance, ng pangako ni Vice Ganda na kung sakali raw po na magkakatuloy-tuloy itong suspensiyon ng labindalawang araw ng MTRCB, tutulungan niya ang staff,” umpisang kwento ni Fermin
Dagdag pa ni Fermin, “Nanggaling din mismo doon sa loob, wala naman daw binibigay na ayuda si Vice. Sila din mismo ngayon ang nagkukuwestiyon kung bakit sabi magbibigay, waley naman pala,
“Kasi ang katwiran niya siguro, ‘yun lang namang mga host ang suspended pero yung staff and crew, sila din yung magmamando [sa pumalit na show]. Baka iyon ang kanyang iniisip. Bakit pa nga naman siya magbibigay, eh, sila nga naman ang nawalan ng trabaho pero ang staff and crew tuloy pa rin,” ayon sa beteranang showbiz anchor. Ador Saluta