Home ENTERTAINMENT Vice, kumalma na sa trabaho, inatake ng sakit!

Vice, kumalma na sa trabaho, inatake ng sakit!

Manila, Philippines – Kamakailan lang, nagbalik-tanaw si Vice Ganda sa panahong literally,

“picking apples” siya sa kanyang career.

‘Yun ‘yong panahong the Unkaboggable Star was doing three TV shows all at the same time.

Meron siyang daily hosting stint sa It’s Showtime which he still does hanggang ngayon.

Meron din siyang weekly Everybody Sing na more on a seasonal basis.

Vice Ganda also had her late night weekend show, ang Gandang Gabi Vice na wala na sa ere but left her with fond memories.

Pero ang lahat ng ‘yon is already a thing of the past.

Kung ngayon daw siya aalukin to do three shows ay hindi na niya kakayanin.

And why would she be willing to be a slave to work kung keri naman niyang magkaroon ng income from other means tulad ng pag-endorso ng mga produkto at gumawa ng mga pelikula?

Ang totoo niyan, hindi lang masabi ni Vice Ganda nang diretso na meron siyang inindang sakit.

But before your malicious mind gets the better of you, karaniwan lang ang sakit ng TV host-comedian.

Kahit nga si Lorna Tolentino is suffering from the same discomfort.

Puwes, ano ito?

Ano pa kundi vertigo!

Ito ‘yung pakiramdam na nahihilo ka.

Nitong Sabado nga’y inatake si Vice Ganda ng vertigo.

On air ay ipinagtapat niyang kinailangan niyang maghanap ng madilim na area sa studio para sandaling makapagpahinga’t mahimasmasan.

Aniya, feeling daw niya’y mabubuwal siya any moment.

When relieved, sumalang din siya sa Tawag ng Tanghalan segment.

So, para klaro lang: there’s no cause for alarm sa ibinistong sakit ni Vice Ganda mismo! Ronnie Carrasco III

Previous articleIRR ng Maharlika fund naisapinal na
Next articleBarangay hall ayaw ipagamit ng natalong chairman sa bagong nanalo!