Manila, Philippines – Pretty soon, mawawalan na ng saysay ang titulong Unkaboggable Star ni Vice Ganda.
Pero lilinawin lang muna namin, this is only as far as her followers in X (dating Twitter) are concerned.
Ang latest kasi, umabot na ng 15 million ang followers ni Anne sa X.
Kung tataas pa ang figures na ito, Vice Ganda might as well relinquish her Unkaboggable Star title to Anne.
Looks like ganito nga ang direksyon nito lalo’t may post pa si Anne na: “Time for acting comeback soon!” which means muli siyang babalik sa kamalayan ng mga netizens.
Ang pumapangatlo namang celebrity ay si Angel Locsin.
Pero dahil hindi gaanong active sa social media si Mrs. Neil Arce ay bumaba ng 100k ang X followers niya.
Ang dating 12.5 million ay naging 12.4 na lang.
Hindi kaya ang nabawas kay Angel ay lumipat kay Anne?
Nasa ikaapat na puwesto naman si Kathryn Bernardo with 10.3 million followers.
Placing fifth is Kathryn’s real-life boyfriend Daniel Padilla na mayroong 9.3 X followers.
Nasa ikaanim na puwesto naman si
Bianca Gonzales with 7.4 X followers.
Samantala, relate ang madlang pipol kay Anne na inaming adik din pala sa street food na kwek kwek at tokneneng.
This Anne proudly admitted on It’s Showtime.
‘Yun nga lang, Anne couldn’t tell one from the other.
Buti na lang, nasa audience si Vhong Navarro who “educated” Anne on the difference–ang kwek kwek ay ‘yung itlog ng pugo samantalang ang tokneneng ay itlog ng pato.
Na-amuse si Vice Ganda sa tanong ni Anne kung bakit kulay orange ang parehong itlog?
Inosenteng tanong ni Anne: “May flower (bulaklak) bang ginagamit pampakulay du’n?”
Sagot ni Vice Ganda: “Ginagamitan ‘yon ng food coloring!”
Hirit naman ni Anne: “Alam ko, pero baka sa Dipolog, iba ang ginagamit nila!”
Nagkataon kasing taga-Dipolog ang contestant ng Tawag ng Tanghalan segment na naatasan nilang interbyuhin nina Vice Ganda at Karylle. Ronnie Carrasco III